
Hi, siya nga pala si Marenz Dalising Pinpin. AKA Rhenz Pinpin. Kaarawan niya ngayon, pwede mo siyang i-TA dahil may blog naman siya. Eto! :)
SIS, Maligayang Kaarawan! Isang taon na lang halos ang natitira para sa’tin, at magkaka-hiwalay na tayo ng lubusan. Haha, masaya ako at nagkaroon ako ng tulad mo. Kahit na minsan, hindi tayo ganon nagkaka-intindihan hindi mo lang alam na hindi kita matiis. <3 haha! UY, effort tong ginawa kong picture ‘ha? Ilang profile ang tinignan ko para makahanap ng mga litratong kasama ka. Matagal ko na talagang balak tong iedit at ipakita sa’yo. Kaya sana, kahit dito matuwa ka. Hehe~ wala kasi akong regalo sa’yo dahil alam mo naman.. Dakilang kuripot ako. XD EFFORT mo rin sana tong basahin kahit na nonsense ito. Dahil dire-diretso lang ako mag-type at kung ano yung nasa isip ko, gora lang akong itype. MAHAL na MAHAL kita. Kahit hindi mo dama, at ‘di ko naipapakita, totoo yan. Sana, maging masaya ka sa kung anong meron ka man ngayon. Maging successful ka sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon. Hinding-hindi ko malilimutan ang tulad mo na halos kasama ko na ng 9-10 years? Diba? :) Iloveyou, Mahal na Mahal kita, Saranghae.
PS: Hindi ko ginaya si Abi sa format ng ganitong picture ha! :D malay mo, parehas lang kami ng Idea. Nagpaturo lang ako nito kay Mommy Maine e. :) :*
PS#2: Sinadya ko talagang igsian ang note na ‘to para next birthday mo, gagawin kong dyaryo ang style. JK :D